Pumalo na sa P179.57 milyon halaga ang tinamong pinsala sa sektor ng agrikultura kasunod ng pananalasa ng Bagyong Jolina.
Batay sa Department of Agriculture (DA), 61,828 magsasaka ang apektado ng naturang bagyo.
Aabot sa 8,855 metric tons ang production loss sa bigas at 52,608 ektarya ng agricultural areas ang naapektuhan ng bagyo sa Eastern Visayas.
Tiniyak naman ng DA na tutulungan nila ang mga apektadong magsasaka sa pamamagitan ng Quick Response Fund (QRF).
Magbibigay din ang kagawaran ng bigas, mais at iba’t ibang vegetable seeds gayundin ng drugs at biologics para sa livestock at poultry needs.
Nakahanda na rin ang Survival and Recovery (SURE) Loan Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC) at mayroong pondo mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) para sa mga apektadong magsasaka.