Sumampa na sa P1.69 billion ang pinsalang idinulot ng Bagyong Jolina sa sektor ng agrikultura sa bansa.
Habang aabot sa P63 milyong halaga ng mga imprastraktura ang naapektuhan ng bagyo.
Nasa 313,000 indibidwal ang naapektuhan kung saan 15,790 na mga kabahayan din ang nasira.
Sa ngayon, ayon kay National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, 19 na ang napaulat na nasawi dahil sa bagyo, 24 ang nasugatan at 5 ang nawawala.
Pero sa nasabing bilang, tatlo pa lamang ang kumpirmadong nasawi kabilang ang isang natabunan ng landslide sa Batangas at dalawang mangingisda na nalunod sa Masbate at Marinduque.
Habang nasa 19 ang kumpirmadong nasugatan at dalawa ang patuloy na pinaghahanap.
Facebook Comments