PINSALA NG BAGYONG KARDING SA AGRIKULTURA, UMABOT SA MAHIGIT P20M

Pumapalo sa P23,626,526 ang naitalang halaga ng partially damage sa mga produktong pang-agrikultura sa rehiyon dos bunsod ng pananalasa ng bagyong Karding.

Ayon kay Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA Region 2, napuruhan ng bagyo ang lalawigan ng Nueva Vizcaya, Southern part ng Isabela at Quirino at karamihan sa mga napinsala ay mga pananim na palay na nasa reproductive at maturity stage.

Batay sa datos, mayroong 1,413 na ektarya ng palay ang partially damage na nagkakahalaga ng halos P7 milyong piso.

Sa mais naman ay umabot sa mahigit P2 milyong piso ang partially damage na naitala sa Nueva Vizcaya at Quirino habang sa high value crops naman o mga gulay ay nagkakahalaga ng mahigit P14 million partially damage.

Nasa 1,332 naman na mga magsasaka ang naapektuhan ng bagyo.

Facebook Comments