Umabot na sa mahigit P304 million ang halaga ng pinsalang iniwan ng Bagyong Karding sa imprastraktura.
Sa 8a.m. situational report, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na 43 imprastraktura ang naapektuhan ng bagyo sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Mimaropa, Bicol Region.
Karamihan sa pinsala o 27 sa mga nasirang imprastraktura ang naitala sa Cagayan Valley na nagkakahalaga ng P208,297,910.
Samantala, pumalo na sa P3,053,218,120 ang halaga ng iniwang pinsala ng bagyo sa sektor ng agrikultura sa Luzon.
Habang P23,750,000 ang danyos sa irigasyon partikular sa Cagayan Valley.
Facebook Comments