MANILA – Mahigit sa dalawang bilyong piso ang pinsalang iniwan ng bagyong Karen sa sektor ng agrikultura sa gitnang Luzon.Ayon kay Office of the Civil Defense Region 3, Assistant Regional Director Nigel Lontoc, pinakamatinding naapektuhan ang tanim na palay sa lalawigan ng Aurora, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac.Bukod sa mga tanim na Palay, may mga high-value crops din ang nasira dahil sa bagyo.Sa kasalukuyan, patuloy pang inaalam ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kabuuang halaga ng pinsalang iniwan ng bagyo sa imprastraktura.
Facebook Comments