Pinsala ng Bagyong Nando, Mirasol at habagat sa agri sector, halos P500,000 na

Pumalo na sa halos P500,000 ang pinsala sa agrikultura ng bagong Nando, Mirasol at habagat.

Sa datos ng Department of Agriculture (DA), mayroon nang P488,000 na inisyal na halaga ng pinsala sa palay, high value crops.

Naitala ito sa 15 hektarya ng agricultural areas o katumbas ng production loss na 34 metriko tonelada.

Kasama na rin dito ang livestock at poultry sa CALABARZON Region.

Pumalo naman sa 32 na mga magsasaka ang naapektuhan ng kalamidad.

Posibleng madagdagan ang pinsala dahil nagpapatuloy ang validation at assessment ng DA sa damage ng sama ng panahon sa agriculture at fisheries sector.

Tiniyak ng DA na mayroon silang ibibigay na tulong sa mga magsasaka at mangingisdang apektado ng kalamidad.

Facebook Comments