Nasa kabuuang P9,713,280 ang naitalang inisyal na halaga ng mga nasirang ari-arian sa bayan ng Sta. Ana, Cagayan dahil sa nagdaang bagyong Neneng.
Ito ay base sa isinumiteng datos ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Sta. Ana sa tanggapan ng PDRRMO kasunod ng kanilang ginagawang assessment sa lugar.
Dahil sa pinsalang dulot ng bagyo, isinailalim na sa State of Calamity ang Santa Ana kung saan umabot na sa P6,423,200 ang halaga ng mga nasirang pananim, nasa P1,599,780 halaga naman ang nasira sa fishery, P923,300 sa livestock at poultry habang nasa P767,000 naman ang naitalang pinsala sa mga pananim na mais.
Samantala, lumobo naman sa 805 na pamilya na binubuo ng 3,757 na indibidwal ang naapektuhan ng pagbaha.
Facebook Comments