Umabot sa ₱121 milyon ang pinsala na iniwan ng Bagyong Pepito.
Ito ang iniulat ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Timbal.
Aniya, ₱92,457,633 ang pinsala sa agrikultura habang ₱29,240,000 naman ang pinsala sa imprastraktura na karamihan ay mga eskwelahan.
Iniulat din ni Timbal na 5,555 na pamilya o katumbas ng 25,268 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo.
3,639 sa mga pamilya o katumbas ng 16,343 ang inilikas at dinala sa 89 na evacuation center sa Region 2, Region 3 at Region 4-A.
Facebook Comments