Pinsala ng Bagyong Rolly sa agrikultura, umabot sa mahigit ₱1.9 bilyon – NDRRMC

Umabot sa halagang mahigit sa ₱1.9 bilyon ang naging pinsala ng Bagyong Rolly sa agrikultura.

Ito ay batay sa latest assessment ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC sa mga lugar na matinding hinagupit ng Bagyong Rolly.

Aabot naman sa halagang mahigit 4.7 bilyong piso ang napinsala sa imprastraktura sa buong Bicol Region na lubhang nakaranas nang hagupit ng bagyo.


Naitala rin ng NDRRMC ang 24,750 mga bahay na nasira sa Bicol Region at Cordillera Administrative Region o CAR.

Sa bilang na ito 3,666 ay totally damaged habang 21,084 ay partially damaged.

Batay pa sa huling ulat ng NDRRMC, 532,794 families ang naapektuhan ng bagyo, sa bilang na ito, 142,475 families ay nasa mga evacuation center at ang iba ay nakituloy sa kanilang mga kaanak.

May 178 COVID-19 patients at 417 medical staff ang inilakas mula sa 11 mga mega at local quarantine facilities dahil sa bagyo.

Patuloy naman ang tulong na nagmumula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), Local Government Unit (LGU), at mga Non-Government Organization sa mga apektado ng bagyo na ngayon ay umabot na sa mahigit 29 na milyong piso.

Facebook Comments