Lumagpas na sa ₱9 billion ang tinatayang pinsala ng Bagyong Ulysses sa sektor ng imprastraktura.
Sa datos ng Department of Public Works and Highways (DPWH), pumalo sa ₱9.369 billion ang pinsala sa kalsada, tulay, flood control structures at public buildings.
Pinakaapektadong rehiyon ay Bicol na nagtamo ng ₱3.3 billion na pinsala, kasunod ang Cagayan Valley ₱2.538 billion at CALABARZON na nasa ₱1.9 billion.
Facebook Comments