Pinsala ng bagyong Ursula, naitala sa P571.58-M ang halaga

Aabot sa P571.58 million ang halaga ng iniwang pinsala sa agrikultura ng bagyong Ursula matapos nito  hagupitin ang MIMAROPA, Western, Central at Eastern Visayas.

Sa inisyal na datos na inilabas ng Department of Agriculture (DA), ang pangisdaan o fisheries sektor ang nakapagtala ng matinding pinsala sa halagang P569 million.

Kabilang sa napinsala ng bagyo ay mga tilapia fish cages, seaweeds, payao at mga bangkang pangisda.


Nasa 4,644 ektarya ng taniman ng palay, mais at kamote ang nasalanta at 43,442 ang mga magsasakang naapektuhan.

Sa Western Visayas, nasa 55,863 hectares ng palay ang nasira, 2,072 sa niyog, 221 hectares sa high value crops .

54 hectares naman ng mais ang nasira sa Central Visayas.

Ayon sa DA, nag-deploy na sila ng mga tauhan para makapagsagawa ng validation.

Nakahanda na ang mga ipamamahaging ayuda sa mga naapektuhang magsasaka at mangingisda.

Facebook Comments