Umabot sa ₱951 milyon ang kabuuang pinsala sa sektor ng pangingisda sa Rehiyon I sanhi ng Bagyong Uwan, ayon sa ulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Regional Field Office 1.
Pinakamalaking apektado ang Pangasinan, na tinatayang may 5,800 mangingisda ang nawalan o naapektuhan.
Malaki rin ang naitalang pinsala sa kabuhayan ng mga mangingisda, kabilang ang mga napinsalang bangka at nasayang na isda, partikular sa bangus.
Sa buong rehiyon, umabot sa 9,020 ang mangingisdang naapektuhan dulot ng malawakang pagkawala sa produksyon at kagamitan.
Ayon sa BFAR, patuloy ang assessment at tulong para sa mga mangingisdang naapektuhan upang maibalik ang kanilang kabuhayan at maibsan ang pinsalang dulot ng bagyo.
Facebook Comments









