PINSALA NG BAGYONG UWAN SA SEKTOR NG PANGINGISDA SA REHIYON UNO, UMABOT NA SA ₱732M; HIGIT 5K MANGINGISDA, APEKTADO

Umabot na sa ₱732 milyon ang pinsala sa sektor ng pangingisda sa Region 1 dahil sa Bagyong Uwan, batay sa pinakahuling ulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Apektado ang 5,258 mangingisda sa apat na lalawigan ng rehiyon.

Nanguna ang Pangasinan na may 2,819 mangingisda ang naapektuhan, kasama ang 4,617 metric tons ng isda, 20 milyong piraso ng seafood, at 464 nasirang bangka.

Sa La Union, Ilocos Sur, at Ilocos Norte, apektado ang kabuuang 3,029 mangingisda, na may pinagsamang pinsala sa isda at seafood na mahigit 500 metric tons, at daan-daang bangkang nasira.

Batay sa uri ng produkto, bangus ang may pinakamalaking pinsala sa 78%, sinundan ng hipon o sugpo sa 17.1%, at tilapia sa 6.9%. Umabot naman sa 1,257 bangka ang napinsala, kung saan 727 ang bahagyang nasira at 530 ang totally damaged.

Patuloy ang assessment ng mga lokal na pamahalaan at ahensya upang matulungan ang mga apektadong mangingisda sa rehabilitasyon at pagpapatuloy ng produksyon.

Facebook Comments