Inaasahang madaragdagan pa ang halaga ng pinsala sa agrikultura at imprakstraktura sa Batangas matapos ang pagputok ng Bulkang Taal.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesman Mark Timbal, sa ngayon, umabot sa P3.2-billion ang kabuuang halaga ng pinsala sa lugar.
Matatandaang inisyal na damage assessment pa lang ang inilalabas ng ahensya dahil tanging aerial survey lang ang kanilang ginawa.
Pero nang mapasok ang 7-kilometer danger zone, doon na sila nakakuha ng impormasyon ukol sa lawak ng naging pinsala ng Bulkang Taal.
Sa ngayon, nananatili sa alert level 3 ang bulkan.
Sa nakalipas na magdamag, nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Semiology (PHIVOLCS) ng moderate emission ng usok na may taas na 200 hanggang 300 metro.
Patuloy din itong naglalabas ng sulfur dioxide at may naitatala pa ring mga pagyanig, senyales na nagpapatuloy ang magmatic activity ng bulkan.