Pinsala ng El Niño sa agrikultura, nasa halos P8 bilyon na

Pumalo na sa ₱7.97 billion ang pinsala ng El Niño sa sektor ng agrikultura.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Undersecretary Ariel Cayanan – ang epekto ng El Niño ay sumira sa 277,888 na ektarya ng sakahan.

Aabot aniya sa 247,618 na magsasaka at mangingisda ang apektado.


Nasa ₱4.04 billion ang pinsala sa palay kung saan 191,761 metric tons ang nawala.

Sa mais naman, nalugi ng ₱3.89 billion o katumbas ng 254,766 metric tons.

Tinatayang nasa ₱27.8 million ang halaga ng nasirang high-value crops.

Nasa ₱12.4 million ang ikinalugi sa pangingisda.

Ang Philippine Crop Insurance Corporation ay nagbigay na ng ₱632.6 million sa halos 80,000 magsasaka.

Facebook Comments