Pinsala ng El Niño sa agrikultura, patuloy pang lumulubo – DA

Pumalo na sa higit ₱1.31 billion ang tinatayang pinsala ng El Niño phenomenon sa sektor ng agrikultura.

Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa na katumbas nito ang mahigit 14,000 ektarya o 1.5% ng mga taniman sa buong bansa.

Aniya, pinakaapektado sa mga napinsala ang taniman ng mga palay.


Pero paliwanag ni De Mesa, hindi pa naman aabot sa 1% ang naging pinsala sa inaasahang ani.

Giit pa ng opisyal, mas mababa pa rin ang resulta kung ikukumpara sa matinding El Niño noong 1997 hanggang 1998 kung saan umabot sa mahigit 372 hectares ng taniman ang napinsala.

Para kay De Mesa, nakatulong ang maagang paglalatag ng mga programa laban sa El Niño kaya hindi sumipa ang epekto nito sa sektor ng agrikultura.

Samantala, kinumpirma naman ni Department of Trade and Industry (DTI) Asec. Amanda Nograles na nagpatupad na ng price freeze sa limang lugar sa bansa kabilang ang ilang bayan sa Mindoro at Zamboanga City.

Facebook Comments