Pinsala ng El Niño sa agrikultura, umabot na sa P8 bilyon

Pumalo na halos walong bilyong piso ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa epekto ng El Niño phenomenon sa bansa.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), nasa 277,889 hektaryang sakahan ang nasira o 447,000 metric tons ng pananim.

Sa sektor pa lang ng bigas, umabot na sa P4.04 billion ang pinsala at P2.89 billion naman sa mais kung saan apektado ang nasa 247,610 mga magsasaka at mangingisda.


Sa kabila nito, kumpiyansa pa rin si Agriculture Secretary Manny Piñol na maaabot ang target na produksyon ng bigas at mais ngayong taon.

Mayroon na rin aniyang naibigay na ayuda sa mga naapektuhang magsasaka at mangingisda.

Facebook Comments