Pinsala ng El Niño sa sektor ng agrikultura, aabot na sa higit P2-B

Papalo na sa higit ₱2 billion ang pinsala ng El Niño sa sektor ng agrikultura sa anim na rehiyon sa bansa.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad – ang Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Mindanao at Bangsamoro Autonomous Region ang direktang apektado ng dry spell.

Aniya, nasa sa ₱2.69 billion ang halaga ng pinsala sa agrikultura – lalo na sa palay, maisan at iba pang high-value crops.


Halos 72,000 na pamilya o halos 360,000 indibidwal ang apektado ang matinding tag-tuyot.

Nasa state of calamity ang Mimaropa, Western Mindanao, Central Mindanao at BARMM dahil sa El Niño.

Facebook Comments