Pinsala ng El Niño sa sektor ng agrikultura, umakyat na sa higit P4 bilyon

Pumalo na sa 4.3 bilyong piso ang halaga ng pinsala ng El Niño sa sektor ng agrikultura.

Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at ng Department of Agriculture (DA), umabot na sa 233,007 metric tons ng palay at mais ang nasira sa 149,494 hektaryang taniman.

Pinakaapektado ng matinding tagtuyot ang Cordillera Administrative Region, Region 5, Region 2, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, Region 10, Mimaropa at Region 8.


Dahil dito, naglaan na ang DA-Agricultural Credit Policy Council ng P95.88 million para sa survival at recovery assistance program ng mga apektadong magsasaka.

Bukod pa ito sa P18.3 million budget para naman sa cloud seeding operations.

Facebook Comments