Manila, Philippines – Umabot na sa P135 million na halaga ang pinsala sa agrikultura ang naitala sa buong Ormoc City dahil sa magnitude 6.5 na lindol sa nasabing lungsod noong nakalipas na linggo.
Kaugnay nito, maraming mga magsasaka na ang apektado dahil sa nasabing kalamidad.
Dahil dito, magpapatupad ang local na pamahalaan ng cash for work program bilang ayuda sa mga nasalanta ng lindol.
Sa ngayon, malaking bahagi pa rin ng Ormoc City ang walang suplay ng kuryente makaraang masira ang ilang mga linya sa lugar.
Facebook Comments