Umaabot na sa ₱29.6-M ang pinsala ng malakas na lindol na yumanig sa Northern Luzon kamakailan sa health facilities sa Cordillera Administrative Region.
Ayon kay DOH-CAR Director Rio Magpantay, humuling na sila sa DOH headquarters ng tulong para maglabas ng quick response fund.
Sinabi pa nito na kailangang agad na makumpuni ang kanilang mga pasilidad upang mayroong mapagdadalhan ng mga pasyente.
Sa ngayon ani Magpantay ay naka-rotation basis ang kanilang medical response team na nagbibigay atensyong medikal.
Samantala, inilulat naman ng Office of Civil Defense (OCD) Cordillera na aabot na sa ₱60 million ang tulong na naiabot sa rehiyon kasama na ang galing sa DSWD.
Kasunod nito, nananawagan ang OCD sa mga may mabubuting loob na magdo-donate na gawin na lamang itong construction materials upang makumpuni ang mga nasirang bahay ng mga apektadong residente.