Pinsala ng lindol sa imprastraktura sa Northern Luzon lumobo pa sa mahigit P1.7 billion

Umaabot na sa mahigit P1.7-B ang halaga ng pinsala ng magnitude 7 na lindol na yumanig kamakailan sa Northern Luzon.

Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mula ito sa kabuuang 2,326 na mga imprastraktura sa Region 1, 2, Cordillera Administrative Region (CAR) maging sa National Capital Region (NCR).

Base pa sa ulat ng NDRRMC, 1,403 imprastraktura ang nasira sa Region 1 o nasa mahigit P800-M ang halaga ng pinsala habang sa Region 2 nakapagtala ng mahigit P32-M na pinsala mula sa 131 damaged infrastructures.


Nasa P859-M naman ang pinsala sa CAR mula sa 771 na mga nasirang imprastraktura habang sa Region 3, 9 na imprastraktura ang nasira at sa NCR naman ay 12 pero walang cost of damage.

Samantala, posible pang madagdagan ang halaga ng pinsala kapag nakumpleto na ng NDRRMC ang lahat ng mga datos.

Facebook Comments