Pinsala ng oil spill sa Or. Mindoro, pumalo na sa higit P3.88-B

Pumalo na sa mahigit P3.88 billion ang halaga ng pinsala ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Ayon sa NDRRMC, kabilang sa tinatayang halaga ng pinsala ay ang pagkalugi sa produksyon ng nasa 24,000 mangingisda at magsasaka.

Sinabi kamakailan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR na aabot sa 19 million pesos ang nawawalang kita ng mga mangingisda kada araw dahil sa oil spill.


Hanggang kahapon ay umabot na sa 40,897 families o katumbas ng 193,436 na indibidwal mula sa 205 barangay sa probinsya ang apektado ng tumagas na langis.

Samantala, ayon naman sa Department of Environment and Natural Resources, nasa pitong bilyong pisong halaga ng marine sources ang posibleng naapektuhan ng oil spill.

Facebook Comments