Pinsala ng RSSI sa mga taniman ng tubo sa Negros Island, umabot na sa 60 percent —SRA

Alarming o nakakabahala na umano ang pamemeste ng Red-Striped Soft Scale Insects (RSSI) sa mga taniman ng tubo sa Negros Island.

Ayon kay Sugar Regulatory Administration (SRA) Pablo Luis Azcona, umakyat na sa 60 percent ang tinatayang pinsala ng infestation ng RSSI sa produksyon ng asukal.

Dahil dito, humihingi na ang SRA ng emergency powers upang makontrol ang pagkalat ng naturang peste sa sugar farms.

Unang na-monitor ang pag-atake ng naturang peste sa huling bahagi ng Marso sa northern Negros Occidental at nitong May 30, pumalo na sa 424.82 hectares ang sinira ng mga peste.

Halos doble sa isang araw ang katumbas ng mga nasisirang tubuhan dahil sa RSSI.

13 bayan at lungsod ang nakapagtala sa Negros Occidental.

May naitala na ring RSSI infestation sa Mabinay sa Negros Oriental at may pag-atake na rin sa Anilao sa Panay.

Mangangailangan umano ang SRA ng P1.5 million para sa pagbili ng pesticides.

Gayunman, mangangailangan umano ng pahintulot mula sa Department of Agriculture (DA) para mabigyan ng emergency purchase.

Facebook Comments