Pinsala ng Supertyphoon Leon sa sektor ng edukasyon, umabot sa P396 milyon -DepEd

Courtesy: Cagayan PIO

Umabot sa P396 milyon ang halaga ng pinsala ng Supertyphoon Leon sa sektor ng edukasyon.

Ayon sa Department of Education (DepEd), 113 na silid-aralan ang totally damaged, habang nasa 227 naman na silid aralan ang partially damaged.

Nasa P282.50 milyong halaga naman ng mga imprastraktura ang kailangan ng reconstruction habang nasa halos P113.50 milyon naman ang kailangan para sa major repair ng mga silid aralan.


Iniulat pa ng DepEd na 11,135 ang bilang ng mga learning resources na nasira habang nasa 192 computer set ang napinsala rin ng bagyo.

3.9 milyon naman ang mga mag-aaral mula sa halos 11,000 mga paaralan sa anim na rehiyon ang apektado ng bagyo.

Inaasahang tataas pa ang naturang figures sa mga susunod na araw.

Facebook Comments