Patuloy na inaalam ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kabuuang pinsala sa kanilang barko na binomba ng tubig ng China Coast Guard kamakailan.
Ayon kay PCG Commandant Admiral Ronnie Gavan, ipinag-utos na niya ang damage assessment matapos na bombahin ng water cannon ang BRP Bagacay na patungo sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea noong April 30.
Matatandaang bukod sa water cannon incident ay hinarangan pa ng tubig at nagsagawa ng delikadong ‘pag-maneobra ang mga barko ng China Coast Guard at Chinese Maritime Militia sa barko ng PCG at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nasa humanitarian mission.
Sinabi naman ni PCG Spokesperson Rear Admiral Armando Balilo na nasira ang main area ng barko at inaalam na kung ano ang pinsala bago isaayos.
Sumailalim naman sa medical check-ups ang mga sakay ng barko.
Nanindigan naman ang coast guard na ipagpapatuloy pa rin nila ang pagprotekta sa teritoryo ng Pilipinas sa mapayapang paraan.