Pinsala ni Bagyong Jolina sa agrikultura, lagpas isang bilyon na ayon sa DA

Nadagdagan pa ang halaga ng pinsala at pagkalugi sa sektor ng agrikultura dulot ng nagdaang Bagyong Jolina.

Base sa huling ulat ng Department of Agriculture o DA, pumalo na sa P1.26 billion ang mga nasirang pananim at pangisdaan dahil sa kalamidad.

Tumaas din ang bilang ng mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan na abot na sa 46,931.


Ayon sa DA, malaking bahagi ng agricultural areas na sinalanta ni Bagyong Jolina ay mula sa Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas at Eastern Visayas.

Facebook Comments