Nadagdagan pa ang halaga ng pinsalang iniwan ni bagyong Usman.
Mula sa unang naiulat na P431 million, sumampa na ito mahigit P816 million.
Sa report ng DA Operations Center, humabol ang mga datos sa pinsala sa mais, palay, high value crops, mga alagang hayop at palaisadaan at livestock, irrigation facilities sa mga probinsiya ng Albay, Camarines Sur, Catanduanes, Sorsogon, Northern Samar at Samar.
Abot pa sa 40,075 ektarya ang sinalanta at apektado ang kabuhayan ng 36,902 na magsasaka at mangingisda.
Umabot na sa 18,634 metric tons ang volume ng production loss sa palayan, maisan at mga high value crops.
Nagpadala na ang Department of Agriculture ng recovery operations team sa Bicol at Northern Samar para tulungan ang mga magsasaka na makabangon sa pananalanta ni bagyong Usman.
Kabilang sa gagawing recovery interventions ay ang agarang pamamahagi ng mga binhi at mga farm inputs.
Kritikal sa ngayon ang sitwasyon sa Bicol Region at Northern Samar kung kaya at kinakailangan na agad na muling makapagtanim ang mga magsasaka.
Inatasan din ni Pinol sa Philippine Crop Insurance Corp., na madaliin ang damage assessment at agad ibigay ang insurance payments sa mga apektadong magsasaka.
Pinaghahanda naman ang Agricultural Credit Policy Council para sa pagpapalabas ng survival and recovery loan funds.
Pinatitiyak naman sa National Food Authority (NFA) ang sapat na suplay at mura ang bigas sa merkado sa mga apekyadong lugar.