Tumaas pa ng hanggang ₱13.33 Million ang pinsala sa mga pasilidad ng Department of Agriculture sa Mindanao dahil sa nangyaring malakas na lindol.
Ang pagtaas sa halaga ng pinsala ay dahil may iba pang estraktura ang nangasira sa ilang lugar sa Davao Del Sur na abot sa ₱8.78 Million.
Base sa ulat ng DA-Disaster Risk Reduction Management Operation Center, partikular na naapektuhan sa lindol ang mga rice processing center, solar powered irrigation facilities, mga guest houses ng DA, Research Experiment Stations, Office and Laboratory Buildings, mga bunkhouses ng DA.
Kabilang din ang Cold Storage, Banana Chips Processing Facility, ilang Farm to Market Roads at Diversion Dams at mga Warehouses.
Bukod ditto, may iba pang pasilidad ng DA ang isinasailalim pa sa inspection ng mga tauhan ng DA Field Offices sa Region 11 at 12.
Una nang inanunsyo ng ahensiya na may kabuuang ₱4 .55 Million ang naging pinsala sa mga Agri-Infrastructures ng DA sa North Cotabato.