Pumalo na sa P89.1 milyon ang pinsalang iniwan ng Bagyong Neneng sa Hilagang Luzon partikular sa sektor ng agrikultura at imprastraktura.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ₱7.6 milyon dito ang pinsalang iniwan sa agrikultura sa Region 1 na karamihan ay mga palay na nasira at hindi na mapakikinabangan dahil binaha.
Samantala, nasa ₱81.5-M naman ang halaga ng imprastraktura ang napinsala mula sa Region 1, Region 2 at CAR.
Ayon pa sa datos ng NDRRMC, umaabot sa 38 mga bahay ang winasak ng Bagyong Neneng mula sa Region 1, Region 2 at CAR.
Ang magandang balita, walang naitalang namatay sa pananalasa ng bagyo pero nakapagtala ng dalawang sugatan na kapwa mula sa Region 1.
Facebook Comments