Umaabot na sa ₱698.76 million ang naitatalang pinsala sa agrikultura bunsod ng ilang araw na pag-uulang dulot ng habagat at pagdaan ng Bagyong Fabian sa ilang bahagi ng bansa.
Sa report na inilabas ng Department of Agriculture (DA) ngayong hapon, halos 27,000 mga magsasaka ang naapektuhan mula Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Central Luzon, Calabarzon, MIMAROPA, Bicol Region at Western Visayas.
Ayon sa DA, nasa 14,175 metriko tonelada ang naitalang volume ng nasirang produksyon ng agricultural products mula sa halos 34,000 ektarya ng sakahan sa nabanggit na mga rehiyon.
Samantala, naisalba naman ang halos 13,000 metriko tonelada ng palay na nagkakahalaga ng ₱227.94 million sa Regions II, III, at Calabarzon matapos na mauna nang magsipag-ani ang mga magsasaka bago pa man tumama ang Bagyong Fabian.