Umabot na sa ₱82.46 million ang iniwang pinsala ng Bagyong Dante sa sektor ng agrikultura.
Sa datos ng Department of Agriculture (DA), nasa 2,132 na magsasaka na ang naapektuhan ng bagyo.
Nasa 2,949 na ektarya ng agricultural areas sa Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region, Western Visayas, Davao Region, SOCCSKSARGEN at Caraga ang sinalanta ng bagyo.
Katumbas ito ng 3,060 metric tons ng produksyon ang naapektuhan kabilang ang palay, mais, at iba pang high value crops.
Samantala, nasa 86,448 metric tons ng ani na nagkakahalaga ng ₱1.59 billion ang agad na ginapas para maiwasang lumala ang agricultural losses.
Facebook Comments