Sumampa na sa 1.94 billion pesos ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura na idinulot ng Bagyong Egay.
Batay sa pinakahuling datos ng Department of Agriculture, umaabot na sa 147,063 na ektarya o katumbas na 86,975 ng metriko toneladang volume loss ng lupaing sakahan ang nasalanta sa:
– Cordillera Administrative Region (CAR),
– llocos Region,
– Cagayan Valley,
– Central Luzon,
– CALABARZON,
– MIMAROPA,
– Western Visayas,
– SOCCSKSARGEN, at
– Caraga
Pinaka-apektado ang rice sector na nasa higit 79,000 ektarya ang napinsala na may katumbas na halos isang bilyon.
Kabilang pa sa apektado ang halos 66,000 na ektarya ng maisan, 1,510 ektarya ng iba pang high value crops, livestock at poultry, fisheries sector pati na agricultural infrastructure.
Samantala, umakyat na rin 123,274 na mga magsasaka at mangingisda ang apektado ng nagdaang kalamidad sa bansa.