Pinsala sa agrikultura ng Bagyong Vicky, umabot na sa P129 milyon

Kabuuang P129.76 milyon na ang naging pinsala sa sektor ng agrikultura ni Bagyong Vicky.

Kabilang sa nasira ng bagyo ang mga tanim na palay, iba’t ibang uri ng gulay, mga fishpond at mga alagang hayop sa Cagayan Valley, Davao and CARAGA Region.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, gumagawa na sila ng hakbang para matulungan ang mga magsasaka at mangingisda na nalugi dahil sa mga nagdaang bagyo.


Namigay na aniya sila ng mga binhi, mga gamot para sa alagang hayop at fingerlings para sa mga mangingisda.

Sa datos ng Agriculture Department, P6.94 billion na ang pinsala sa agricultural products nang dahil sa bagyo mula Enero hanggang buwan ng Nobyembre.

Hinimok ang mga magsasaka at mangingisda na mag-avail ng survival and recovery loan kung saan bukod sa 5, 000 piso na matatanggap, maaari pa silang mangutang ng 20,000 pesos bilang puhunan na walang collateral at maaring bayaran ng hulugan sa loob 10 taon.

Facebook Comments