Umakyat na sa ₱1.75-B ang halaga ng pinsala sa agrikultura dahil sa El Niño phenomenon.
Ayon kay Department of Agriculture (DA) Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, ang nasabing halaga ng pinsala ay mula sa walong rehiyon o Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, Zamboanga Peninsula at SOCCSARGEN.
Dahil dito, aabot sa 29,237 na magsasaka ang naapektuhan ang hanap-buhay habang nasa 32,231 hectares ng taniman ang napinsala.
Sa pagtaya ng DA, nasa 48,332 metric tons ng palay ang production lost habang nasa 18,966 metric tons naman ng mais at 7,794 metric tons naman ng high-value crops.
Facebook Comments