Pinsala sa agrikultura ni Bagyong Jolina pumalo na sa 324 milyong piso

Kasunod ng assessment and validation ng Department of Agriculture (DA) pumalo na ngayon sa 324 milyong piso ang naging pinasala ng Bagyong Jolina sa sektor ang agrikultura.

Ayon sa DA, aabot sa 14,331 na magsasaka at mangingisda ang apektado sa Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region, Western Visayas and Eastern Visayas.

Partikular na sinira ng bagyo ang tanim na palay, mais, palaisdaan, at mga alagang hayop.


Sa ngayon sinabi ng DA posible pang madagdagan o mabawasan ang bilang ng kabuuang pinsala ng bagyo habang patuloy pa rin ang kanilang pag-aaral sa epekto ng bagyo sa produktong agrikultura.

Samantala nakikipag-ugnayan na ang DA sa kanilang Regional Offices para matukoy kung saan ipapamahagi ang tulong.

Tulad ng pamamahagi ng Quick Respond Fund, para maging maayos ang mga apektadong lugar, pamamahagi ng seeds o punla ng mais, gulay, palay, gamot at iba pang pangangailangan para sa mga alagang hayop, Survival and Recovery (SURE), Loan Program of Agricultural Credit Policy Council (ACPC) at Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) na magagamit ng mga magsasaka.

Facebook Comments