DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Umabot na sa 3. 8 milyon ang inisyal na halaga ng pinsala sa agrikultura sa Dagupan City dahil sa pananalasa ng Bagyong Maring.
Ayon sa OIC ng City Agriculture na si Tess Pascua, nasa 75 na ektarya ng palayan ang nasira sa lungsod na tinatayang aabot sa 2. 35 milyon.
Tinukoy nito ang barangay Mangin, Salisay, Tebeng , Malued at Bonuan Boquig.
Nasa 150 na palaisdaan din sa lungsod ang apektado ng bagyo o tinatayang nasa 1. 45 milyon mula sa anim na barangay kabilang ang Calmay, Carael, Lomboy, Salapingao at Bonuan Gueset.
Aniya, inisyal na report lamang ito sapagkat may mga ilang barangay pa sa lungsod ang apektado ng pagbaha.
Handa naman aniya ang ahensya na mamigay ng assistance sa mga magsasaka at mangingisda sakaling matapos ang assessment.