Pumalo na sa halos ₱2-B na ang halaga ng pinsala sa imprastraktura at agrikultura ng Bagyong Goring, Hanna at habagat.
Batay ito sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa imprastraktura, umakyat na sa mahigit ₱895-M ang halaga ng pinsala kung saan naapektuhan nito ang 126 imprastraktura sa Ilocos Region, Cagayan Valley, MIMAROPA, Western Visayas at Cordillera Administrative Region (CAR).
Habang 1,544 kabahayan ang napinsala ng bagyo, kung saan 265 ang totally damaged at 1,279 ang partially damaged.
Lumobo naman sa mahigit ₱959-M ang halaga pinsala sa agrikultura sa Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa, Western Visayas at CAR.
Kaugnay nito, umabot na sa 34,303 magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ang kabuhayan dahil sa magkakasunod na sama ng panahon.