Pinsala sa imprastraktura ng lindol na tumama sa Northern Luzon, lomobo pa sa ₱1.2-B

Umabot na sa ₱1.2 bilyong halaga ng pinsala sa imprastraktura ang iniwan ng malakas na lindol sa Northern Luzon.

Ito’y mula sa mahigit ₱700 million na pinsala na naitala kahapon.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), galing ang mga pinsala sa Region 1, Region 2 at Cordillera Administrative Region (CAR).


Sakop ng nasabing halaga ang 1, 470 na imprastraktura na nasira ng lindol.

Samantala, nanatili naman sa 394 ang mga napaulat na nasaktan sa lindol at 10 ang kumpirmadong nasawi.

Facebook Comments