Pinsala sa imprastraktura sa Batanes dahil sa lindol, umabot na sa halos 300 milyong piso

Patuloy ang ginagawang operasyon ng DPWH para makatulong sa lalawigan ng Batanes matapos tumama ang 2 malakas na lindol noong sabado.

Sa ngayon, nagpadala na sila ng payloaders, dump trucks  sa Itbayat at Batanes bukod pa sa mini dump trucks, service vehicles, backhoe at road grader.

Ayon sa DPWH, magdadagdag sila ng team sa Itbayat na tutulong para masuri ang laki ng pinsala ng lindol.


Base sa inisyal na report, 292.85 milyong piso na ang pinsala sa  imprastraktura.

Partikular dito ay mga bahay at kalsada sa mga barangay o village sa Sta. Lucia, San Rafael, Sta. Rosa. Sta. Maria at Raele.

Sa brgy. San Rafael ang may pinakamatinding pinsala sa imprastraktura na may halagang PHP103.36 million.

Samantala sa nasabing malakas na lindol, 9 ang naitalang patay habang marami ang nasugatan.

Facebook Comments