Pinsala sa mga Lupain na Taniman, Umabot sa 89 na Libong Ektarya- DA Region 2

*Cauayan City, Isabela*- Umabot sa 89 na libong ektarya ng sakahan sa Lalawigan ng Cagayan at Isabela ang inisyal na napinsala sa nagdaang malawakang pagbaha sa ilang mga lugar sa Lambak ng Cagayan.

Ayon kay Regional Director Narciso Edillo ng DA Region 2, patuloy pang inaalam ang kabuuang pinsala sa sektor ng agrikultura matapos manalasa ang pagbaha.

Dadag pa nito na posibleng magtaas din ang presyo ng mga pangunahing bilihan particular na ang mga gulay dahil sa malaking pinsala na iniwan nito sa mga lugar sa dalawang probinsya.


Tiniyak naman nito na mabibigyan ng ayuda ang mga magsasakang apektado ng pagbaha upang makapagsimula muli sa pagtatanim.

(Credit to the Owner)

Facebook Comments