Umakyat na sa P642.45 milyon ang iniwang pinsala sa sektor ng agrikultura sa ilang rehiyon sa bansa ng mga naranasang malalakas na pag-ulan dulot ng pinagsamang epekto ng tail-end ng frontal system at Low Pressure Area (LPA).
Base sa inilabas na ulat ng Department of Agriculture (DA), nasa 39,992 magsasaka at 35,991 ektarya ng agricultural areas sa Calabarzon, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas at CARAGA regions ang naapektuhan.
Aabot naman sa 11,589 metric tons ang production loss sa mga pananim tulad ng palay, mais, high value crops, livestock at poultry sa nabanggit na mga rehiyon.
Ayon pa sa DA, may mga agricultural infrastructures din ang nasira sa Aklan.
Inaalam pa kung may napinsala rin sa agri-fisheries sector.
Facebook Comments