Cauayan City – Tinatayang aabot sa 1.5 Million Pesos ang halaga ng pinsala sa bodega ng plastic na tinupok ng apoy kahapon, ika-4 ng Setyembre sa Brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela.
Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Fire Officer 1 Dennis John Duendo, tagapagsalita ng Cauayan City Fire Station, puspusan na ang ginagawa nilang imbestigasyon kaugnay sa posibleng pinagmulan ng sunog.
Aniya, umabot sa 13 Fire Trucks na kinabibilangan ng mga fire station mula sa karatig-bayan at mga volunteers ang nagtulung-tulong upang maapula ang apoy.
Sinabi rin ni FO1 Deundo na inabot rin ng ilang oras ang sunog bago tuluyang naapula ang apoy dahil sa lawak na rin ng gusaling nilamon ng apoy.
Sa kabutihang palad, wala naman umanong naitalang nasaktan o nasugatan sa mga empleyado ng nabanggit na bodega ganundin sa panig ng mga tagapamatay sunog at mga volunteers.