Pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa Bagyong Tino at Uwan, lumobo na sa P4.13-B —DA

Lumobo na sa ₱4.13 billion ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng Bagyong Tino at Uwan.

Ayon sa Department of Agriculture-Disaster Risk Reduction and Management Department (DA-DRRMD), inaasahang tataas pa ang halaga ng pinsala sa mga apektadong rehiyon sa CALABARZON, MIMAROPA, Western, Eastern at Central Visayas, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN at Caraga Regions habang nagpapatuloy ang kanilang assessment.

Sa pinakahuling datos mula sa DA-DRRMD, sumampa na sa 84,357 ang bilang ng mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng magkasunod na bagyo.

Pumalo na rin sa 43,882 ektarya ng agricultural areas ang naapektuhanat umabot na sa 19.15 million metric tons ang pagkalugi sa palay.

Tiniyak naman ng DA na tuloy-tuloy ang pagbibigay nila ng tulong sa mga nasalanta ng kalamidad para makabawi ang mga magsasaka sa pagkalugi.

Facebook Comments