Pinsala sa sektor ng agrikultura dulot ng Bagyong Carina at Habagat, pumalo na sa higit P1.17-B

Umakyat na sa P1.17 billion ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa Bagyong Carina at Habagat.

Batay sa datos ng Department of Agriculture (DA), nasa 40,904 na magsasaka at mangingisda ang apektado habang nasa 18,086 metric tons na ang nawalang produksyon .

May lawak na sa 42,708 ektarya ng agricultural areas, ang nasalanta ng kalamidad.


Kabilang sa mga nasira ang pananim na palay, mais, high value crops, livestock, irrigation facilities, at pangisdaan.

Kabilang sa mga apektadong lugar ay ang Cordillera Administrative Region, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon,CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western at Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN at CARAGA Regions.

Tiniyak naman ng DA na may nakahanda na silang interbensyon para matulungan ang apektadong magsasaka at mangingisda.

Facebook Comments