Pinsala sa sektor ng agrikultura dulot ng Bagyong Florita, sumampa na sa higit P3.4-M

Base sa inisyal na pagtaya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umaabot na sa P3.4 million ang pinsala ng Bagyong Florita sa sektor ng agrikultura.

Sa report ng NDRRMC, nasa 324 ang bilang ng mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan mula sa Region 1.

Habang nasa 233 metric tons mga panananim ang nasira ng bagyo.


Base sa naunang pagtaya ng Department of Agriculture (DA), 628 ektaryang lupain ang naapektuhan ng pagbaha sa Region 1.

Inaasahang lolobo pa ang cost of damage kapag nakalap na ng NDRRMC ang mga impormasyon mula sa iba pang rehiyong naapektuhan ng bagyo.

Samantala, nasa 33 kabahayan naman ang winasak ng bagyo kung saan 30 dito ang partially damaged at tatlo ang totally damaged.

Karamihan sa mga ito ay mula sa Region 1, 2 at Cordillera Administrative Region (CAR) na matinding binayo ng Bagyong Florita.

Facebook Comments