Pinsala sa sektor ng agrikultura ng Bagyong Agaton, pumalo na sa ₱725-M

Tumaas pa sa P725.2 million ang pinsalang iniwan ng Bagyong Agaton sa sektor ng agrikultura.

Batay sa Department of Agriculture (DA), 19,424 na mga magsasaka ang apektado ng nagdaang bagyo sa Western at Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Soccsksargen, at Caraga kung saan kabuuang 17,925 ektaryang ng sakahan ang nasira.

Katumbas ito ng 41,580 metric tons ng kabuuang volume loss kung saan 92.68% o 40,122 nito ay mula sa produksyon ng palay na nagkakahalaga ng P672.2 million.


Habang aabot sa P24.7 million ang napinsala sa mga high-value crops; P21.1 million sa maisan; at P7.2 million sa livestock at poultry.

Sa kabila nito, nilinaw ng DA-Disaster Risk Reduction and Management Operation Center na subject to validation pa ang datos dahil inaasahang madaragdagan pa ang maitatalang pinsala ng bagyo sa naturang sektor.

Tiniyak din ng ahensya ang tulong para sa mga apektadong magsasaka.

Facebook Comments