PINSALA | ₱4.6-B, halaga ng iniwang pinsala ng mga nagdaang bagyo at hanging habagat

Manila, Philippines – Aabot sa ₱4.6 bilyon ang halaga ng pinsala ng mga nagdaang bagyo at habagat sa bansa.

Batay sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, nasa 3.2 bilyon piso ang napinsala sa sektor ng agrikultura habang aabot sa 1.2 bilyong piso ang nasira sa imprastraktura.

Posible namang tumaas pa ang halaga ng pinsala dahil hindi pa tapos ang kanilang damage assessment.


Ayon kay NDRRMC Spokesperson Director Edgar Posadas, ang National Capital Region (NCR) ang nakapagtala ng malaking bilang ng apektado kung saan nasa 150,00 pamilya o katumbas ng mahigit 700,000 indibidwal.

Nasa 310 na mga lugar naman ang binaha kung saan 111 dito ang humupa na.

Nakapagtala rin ang NDRRMC ng 41 bahay na nasira kung saan 11 ang totally damaged at 30 ang partially damaged.

Samantala, dalawa naman ang nasawi dulot sa pananalasa ng habagat habang may dalawa pang bina-validate na posibleng fatalities.

Facebook Comments