Patuloy na lumolobo ang halaga ng pinsala sa imprastraktura, agrikultura at irigasyon ng pagbaha dulot nang naranasang malakas na pag-ulan sa ilang rehiyon sa bansa.
Sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw, pumalo na sa mahigit P1.1 billion ang pinsala sa imprastraktura sa MIMAROPA, Regions 5, 9, 10, 11 at CARAGA.
Samantala, sumampa naman sa P243 million ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa kapareho ring rehiyon.
Habang nasa mahigit P2-M naman ang iniwang pinsala ng sama ng panahon sa irigasyon.
Sa ngayon, nasa 134,605 pamilya o katumbas ng 524,150 mga indibidwal mula sa 938 na mga brgy. mula sa MIMAROPA, Regions 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, CARAGA at BARMM ang naapektuhan ng sama ng panahon.
Sa nasabing bilang, 4,604 pamilya o mahigit 15,000 indibidwal ang pansamantala pa ring sumisilong at nanunuluyan sa 151 mga evacuation centers.