Pinsalang idinulot ng Bagyong Ramil sa agrikultura, umabot na sa mahigit P12-M

Umabot na sa P12.41-M ang halaga ng napinsalang agricultural products matapos ang paghagupit ng Bagyong Ramil sa bansa ayon sa Department of Agriculture (DA).

Batay ito sa ginawang inisyal na assessment ng DA Regional Office ng Central Luzon, MIMAROPA, at Western Visayas na ilan sa mga rehiyon na tinamaan ng bagyo.

Ilan sa mga naapektuhang produkto ay palay, mga high value crops, at poultry kung saan aabot sa 292 metric tons ang naitalang production loss.

Habang 579 ektarya ng agricultural areas ang napinsala at 634 ang bilang ng apektadong magsasaka dahil sa Bagyong Ramil.

Dahil dito, patuloy ang isinasagawang assessment ng DA kung gaano kalaki ang pinsala at nawala sa sektor ng fishery at agrikultura.

Habang nakikipag-ugnayan ang ahensya sa mga local government units, non-government organizations, at DRRMO–related offices sa naging epekto ng bagyo para sa gagawing intervention at assistance.

Bukod pa rito, kanila ring mino-monitor ang paggalaw ng presyo ng mga agricultural commodities sa lugar at mag-aallocate din ng pondo para sa insurances at credit sa pamamagitan ng Philippine Crop Insurance Corporation at Agricultural Credit Policy Council (ACPC).

Facebook Comments